Lahat ng eskwelahan ay hindi perpekto at ganon kaayos. Maraming pa ring mga problema ang kinahaharap ng ating paarlan. Nais lamang ng aming grupo na banggitin ang isang problema sa aming paaralam dito sa TSHS at hindi ito para manira o magpatama sa kung sino man.
Isa sa aming napapasin na problema ay ang kawalan ng maayos na tapunan ng basura. Kung inyong mapapasin ay sa gilid lamang ng isang building sa ating paaralan (Talavera Senior High School) iniipon o itinatapo ang mga basura. Pare-parehas lamag tayong napeperwisyo nito, mapa-guro man o estudyante. Dahil sa masakit na sa mata ay mabaho pa. Estudyante din ang madalas na naghihirap ayusin at asikasuhin ang mga basurang ito. Buong estudyante at mga guro ng Talavera Senior High School ay magdudusa sa problemang ito dahil lahat tayo ay apektado nito. Napaka halaga sa aming grupo na masulosyonan ito dahil bilang stem students nakakasama na nga ito sa kapaligiran, maari pa itong makasama sa kalusugan ng mga mag-aar patin na rin ng mga guro at mga bisitang pumupunta sa ating paaralan. Pinakamagandang gawin ng pamunuan ng ating paaralan dito ay maglaan ng isang lugar na mas maayos na mapagtatapunan ng mga basura at malayo sa mga silid aralan o di kaya ay magpapunta na lamang ng nga garbage collector upang ang mga ito na lamang ang magdala sa mga basura sa mas maayos na dumpsites upang hindi na masyadong nahihirapan ang mga mag-aaral. Ang ibang mga paaralan ay nagkakaroon din ng mga kampanya para sa ikakaayos ng kanilang paaralan pagdating sa proper waste disposal, mayroon din silang maayos na mga tapunan o di kaya ay may mga araw na nagpupunta ang garbage collector sa kanilang paaralan. Kung kayang solusyonan ng ibang paaralan ang mga ganitong problema, tiyak na kaya rin natin. Kung tulong tulong ang lahat ay sigurado na magiging maayos ang ating paaralan.
ISKWELAHAN KO, BUHAY KO
Ang ikauunlad ng ating paaralan, ay sa atin mismo manggagaling. Tayo ang may kontrol sa mga maaaring mangyari sa ating paaralan.
Hindi mo palaging masasabing walang problema na maaaring mangyari o maganap. Sa isang paaralan, hindi mawawala ang mga pangunahing problema na kaya namang lutasan ngunit nakukulangan sa aksyon. Mapapansin natin na mas marami ang mga kailangan na maisaayos sa ating paaralan bagamat hindi nagkakaroon ng aksyon patungkol dito.
Isang halimbawa ang kakulangan sa tapunan o imbakan ng mga basura. Napapansin lamang namin, na kulang na kulang tayo sa maayos na imbakan ng basura. Tulad sa Talavera National High School o Talavera Senior High School. Ang dating maayos na swimming pool area, ay naging tambakan na ng basura. Minsan nga’y makikita mo ang sako sakong basura sa mga gilid gilid ng ibang building dito. Nagkukulang tayo sa mga tapunan kung kaya’t ito’y naiipon na lamang. 

Tayo rin naman ang maaapektuhan kung hindi tayo magkakaroon ng pake sa mga maaaring maging dulot ng tambak tambak na basurang ito. Dahil ang eskwelahan o paaralan ang nagsisilbi nating buhay. Dahil ito ang magdadala sa atin sa magandang kinabukasan. Ngunit hahayaan nalang ba natin na ang paaralan na ating buhay ay hindi pangalagaan at ingatan? Hahayaan nalang ba natin na maranasan natin ang mabibigat na kalamidad?
Nagpapakita ang mga ito ng kawalan ng disiplina sa ating mga sarili. Hindi lamang iilan ang napeperwisyo ng mga basurang ito kung hindi ay lahat tayo. Hindi natin dapat tiisin ang masakit sa mata at mabaho nitong amoy. Ang solusyon ay nasa atin at ang mga basurang ito ay hindi mawawala kundi tayo kikilos. Hindi ba kayo nagsasawa sa mga baha at kalamidad? Nagdudulot ng mabibigat na kalamidad ang mga basura dahilan para umapaw ang mga daluyan ng tubig dahil sa nababarahan ito ng limpak limpak na basura.
Hahayaan na lamang ba natin na ganito ang mangyari sa ating paaralan? Hindi niyo ba hangad ang pagbabago at kalinisan nito?
WHAT IS GOING ON?!
Hello guys, heto nanaman ako at sa pagkakataong ito nais kong magbigay ng aking mga opinyon tungkol sa mas seryosong bagay. Gusto kong maglabas ng saloobin ko tungkol sa kalagayan ng ating bansa sa ngayon.
Ang ating bansa ay marami ngang kinakaharap na suliranin sa ngayon. Tulad ng mataas na bilihin, mga kalamidad, kabi-kabilang isyu at kaso tungkol sa mga opisyal ng gobyerno at iba pa. Kahit sa maliliit na problema sa ating bayan, tila ba’y napakabigat nito at hindi masolusyonan agad. Napakahirap isipin na nagkakaganito ang ating bansa, ano naba ang nangyayari?!
Isa sa mga pinakamalaking pinoproblema ng mga pilipino ngayon ay ang pagmamahal ng bilihin pati na rin ang bigas. Napakadami at napakalawak ng mga sakahan sa ating bansa ngunit parang hirap ng matikman ng karamihan sa atin ang mura at masarap na bigas. Nakakapagtaka rin na sa mahal ng bigas marami paring magsasaka ang naghihirap hanggang sa ngayon. Hayss ano na?!
At pano nga bang uunlad ang Pilipinas kung ang mga opisyal ng gobyerno mismo ang naglalaglagan at nagaaway-away. Kapwa mga Pilipino mga naglalagan, jusko mga matitinong lider ba kayo. Kung gusto talagang nilang maayos ang ating bansa, ayusin muna nila yung mga gusot nila.
Sana naman din ipaglaban natin kung ano ang atin. Hindi yung para tayong mga uto-uto sa ibang bansa. Tulad na lamang ng tungkol sa West PH sea, bakit parang nanatiling nakayuko lang ang ating Presidente tungkol dito. Sa naman ay umaksiyon at huwag hayaang gawin tayong kawawa ng ibang bansa. Alam kong hindi madali pero kung gusto may paraan.
At eto pa nga, isa pa itong isyu sa droga. Nagpatupad ng programang “War on Drugs” ang administrasyong Duterte masolusyonan na ang paghihirap ng bansa sa droga. Marami na ang namatay at mayroon pa ngang nadamay na inosente at napatay. Naging isyu pa nga ang “EJK” na isinisisi sa administrasyong Duterte. Ngunut bakit hindi parin matapos tapos ang problema sa droga. Kailan lang nabalita ang isang opisyal ng PDEA dahil sa pagkakaaresto nito sa kasong pagpupuslit ng droga. Jusko naman mismong opisyal pa ng PDEA haha anyare?!
Nakakalungkot na nagkakaganito ang bansa natin pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na aahon pa rin sa kahirapan at mga isyu ang ating bansa. Hindi ko ito sanasabi ang mga ito upang batikusin ang sinuman. Ang sa akin lamang ay gumising ang lahat ng Pilipino dahil lahat tayo ay may pakialam sa mga isyung ito. Sana rin huwag ng nagsisiraan at naglalaglagan, magakakalahi tayo mga par hahaha ipagmalaki nating Pilipino tayo at huwag hayaang lumubog sa problema ang Pilipinas.
Yun lang maraming salamat!
“MY TEACHER, MY HERO”
Hi everyone, panibagong kwento nanaman at dahil World Teacher’s Day, nararapat lamang na magbigay pugay tayo sa ating mga butihin at masisipag na guro. Kung iisipin nating mabuti, ang hirap din maging guro dahil sa stress, puyat, pagod, maraming gawain, pakikisama sa mga estudyante, at iba pang kinakaharap nila sa araw-araw. Kaya’t sana ay sa mga simpleng bagay ay nasusuklian natin ang paghihirap nila.
Talaga nga namang maituturing naman na Hero o bayani ang ating mga guro dahil sa kanilang mga paghihirap at sakripisyo para sa ating mga mag aaral. Pero yun nga lang ba ang mga dahilan upang ituring silang hero? Para sa akin, Hindi lamang ang mga iyon ang mga dahilan upang masabing hero ang isang teacher o guro. Dahil saksi ako sa paraan mga guro ko kung pano sila magturo at humarap sa kanilang mga estudyante.
Una, nakita ko ang pakikitungo nila sa amin. Halos lahat ng teacher namin, napansin ko na ang gaan ng pakikitungo nila sa amin. Walang alinlangan at hindi sila naiilan makipag biruan sa amin. Yung feeling nyo na tropa nyo lang yung karamihan sa teacher nyo. Pero kahit na ganon, hindi namin inaalis ang respeto at limitasyon namin bilang estudyante. Guro namin sila kaya nararapat lang na igalang at seryosohin namin sila sa oras ng klase at seryosong oras.
Pangalawa, hindi lamang sila nagtuturo gamit ang chalk at board. Nagtuturo sila gamit ang kanilang puso. Hindi naman literal na ginagamit yung puso ah hahaha. Ginagamit nila yung kanilang damdamin upang kami ay mabigyan ng mga payo at aral sa buhay na mas magagamit namin kaysa sa mga nakasulat sa aming notebook. Nakakataba ng puso ang isang guro na mas pinapahalagahan ang buhay base sa tunay nitong kahulugan at hindi lamang naka focus sa akademiko. Masaya din ako at naihahanda nila kami sa maaring maging hamon ng buhay dahil sa pagkukwento at pagtuturo nila base sa kanilang mga karansan.
At ang huli ay ang di matatawarang suporta nila sa aming mga estudyante. Mahalagang magkaroon ng matibay na suporta ang isang guro sa kanyang mga estudyante. Isa ito sa nagpapatibay ng relasyon sa pagitan ng mga estudyante at guro. Mas nagagalak at naeengganyo kami sa pag-aaral kung mayroong tunay at walang sawang suporta ang aming guro.
Hindi biro ang sakripisyo at sipag ng ating mga guro. Ang kanilang puyat at pagod ay dapat nating suklian ng tagumpay dahil para din silang mga magulang na naghihintay na tayo ay mayroong maabot sa buhay. Salamat sa mga taong ito na patuloy na sinusuong ang buhay ng pagtuturo.
Lahat sana tayo ay magbigay pugay sa ating mga guro. Maraming salamat sa pagbabasa at oras niyo!
Let’s call him “The Ambulance”
Hello everybody, eto nanaman ako ang Master Solrac nyo para magkwento. Topic natin ngayon ay tungkol sa isang tao at hindi sa ambulansya, kaya ganyan ang title ay dahil may kaugnayan yan sa kaniyang pangalan haha. Hulaan nyo nalang kung sino siya sapagkat hindi ko sasabihin ang pangalan niya. Magbibigay lang ako ng mga katangian at thoughts ko about sa kanya.
Itong taong ito ay nakakatuwa hahaha. Madalas mong makikitang naka ngiti at parang walang problema. Dota at basketball player din yan. Maraming chix kaya hindi mo malaman kung sino talaga hahaha de biro lang. Matino yan at mapagkakatiwalaan. Diablo din kung minsan pero madalas masipag mag-aral yan. Mahilig din magpatawa kung minsan. Huwag na huwag bibiruin to nung isa naming aports tiyak na mag-bibeast mode haha. Pag nagagalit siya, makikita mo kung pano manlaki butas ng ilong neto hahaha. Magaling mag gitara at mahilig din sa musika. Pangarap din niyang maging Civil Engineer at maka…alam na yon hahaha joke lang. Medyo madali ding hikayatin umabsent itong taong to pero kung minsan siya ang manghihikayat sayo, oh diba bawian lang haha. Syempre ganun talaga pag aports.
Naging magkaklase na kami dati, pre-elementary palang. Pasaway at mukang mayabang yan noon. Astig nakatinghas pa yung buhok eh. Hindi ko pa ata siya nakaka away eh, minsan kasi kailangan niyo talaga unawain mag totropa ang isat isa para maiwasan ang tampuhan. Pag dating naman sa mga ugali niyang maganda wala naman ako masyadong masasabi. Siguro marami ang nayayabangan sa kaniya dahil medyo astig umasta at sa pagiging mapang asar kung minsan. Wala na rin naman ako masyadong masabi tungkol sa kanya at diko na masyadong papahabain to. Basta aports tandaan mo lang na mag aral ng mabuti, iwasan ang pang diadiablo at bawasan ang pagiging gobilam kung minsan haha biro lang.
So yun lang maraming salamat sa pagbabasa and see you!…
“THE NIGHTS”
He said, “One day you’ll leave this world behind, So live a life you will remember.” My father told me when I was just a child. These are the nights that never die. 🎵
Magandang araw sa inyo at kahit bumabagyo eto nanaman ang Master Solrac nyo para magkwento hahaha. Ang linya or lyrics na nasa taas ay galing sa kantang The Nights ng Swedish Dj na si Tim Bergling o mas kilala sa stage name niyang Avicii na namatay nitong April 20, 2018 dahil siya ay nag suicide, sinasabing dahil ito sa depression at health problems. Sa kantang din yun nagmula ang tagline ko sa site na ito. Napili kong gawan ng blog ang napili kong tagline dahil tumatak sa akin to at bilang fan na rin ni Avicii. Tagos sa puso hanep hahahaha. Nakaka inspire kasi para sa akin yung line na yun. “One day you’ll leave this world behind, So live a life you will remember” nakaka lss tuloy hahaha. Sa kantang The Nights, mapapansin nyo sa lyrics ang isang taong nagkukwento tungkol sa buhay ng isang kabataan. Nais iparating ng kanta na sa mga paghihirap o mga obstacles na dinadanas ay kailangan natin magpakasaya dahil minsan lamang tayo mabubuhay dito sa mundo. YOLO eka nga diba. Gusto din nitong iparating sa atin na abutin natin ang ating mga gusto kahit ito ay parang imposible lara sa atin. Magiwan ng mga ala alang hindi mawawala at tatak sa mundo. Sinabi din dito ang pagpapayo ng isang ama sa kanyang anak na maging malaya na gawin ang mga mapapasaya sa kanya dahil isang araw mawawa din sya sa mundo. One day my father he told me,”Son, don’t let it slip away” He took me in his arms, I heard him say, “When you get older Your wild life will live for younger days, Think of me if ever you’re afraid. He said, “One day you’ll leave this world behind, So live a life you will remember. My father told me when I was just a child, These are the nights that never die, My father told me. Oh diba nakaka inspired talaga haha. Sa nais mapakinggan search nyo nalang haha Avicii – “The Nights”.
Maganda ang mensaheng ng kantang ito lalo na sa mga kabataan. Wag kasi tayo puro aral jusko haha alalahanin din natin ang ating pansariling kaligayahan. Diko naman sinasabi na pabayaan natin ang ating pag aaral, tama lang na maging responsable tayo sa ating pag aaral pero tandaan mo kaibigan na kahit makapagtapos at yumaman ka, ang yaman mo dimo madadala sa langit. “When I die, I will remember for the life I live not the money I made” mapapakinggan nyo din ang linyang yan sa umpisa ng kanta. Mas maganda yung kahit patay kana, maaalala ka ng mga tao dahil sa mga ginawa mong masaya at maganda pati narin sa mga karanasan at ala-alang iniwan mo hindi yung naaalala ka dahil sa perang ginawa mo. Oh diba totoo naman. Gawin nating priority ang pag aaral dahil yun ang tama pero huwag naman sosobra. So yun lang ang masasabi ko at tatapusin ko na ito dito.
Nagustuhan nyo baaa? hmmm…
Maraming salamat uli sa pagbabasa and as always, see you guyssss!
MIGUEL BROTHERS
Hi Master Solrac here! at eto nanaman ako para magkwento at hindi na siguro nakakapagtaka kung ano ang topic ko ngayon dahil sa pamagat palang halata na diba? May kaugnayan ito sa pagkakapatiran hahaha de biro lang, Magkukwento ako tungkol sa aking mga butihing kapatid na mas matatanda sakin.
Hayss bunso ako eh skl hahaha nung bata ako sarap dahil bunso ako, lagi akong lamang sa mga kuya ko. Pero habang tumatanda ako eh medyo nagiging masungit sila sa akin, kaya minsan nabubwisit ako kasi di ako makasama sa mga lakad naming magpipinsan. Puro kasi kami lalaki, mga tigasin at gwapo ba hahaha pero ngayong binata na ako naging maluwag na rin sila sa akin kahit papano, siguro na realize nila na malaki nako diba. Pero syempre na appreciate ko naman ang pagiging protective nila noon.
Pero bakit nga ba Miguel brothers? Lahat kasi kami may miguel sa pangalan, simulan natin sa panganay. Ang unang ginawa hahaha Si Lorenzo Miguel, masungit, mahilig mambwisit, minsan mabigat ang kamay pero siya yung kuyang lagi kang itatama at papaalalahanan. Mapagbigay din yan. Pihikan at maselan din tong bwiset nato hahaha joke, pero sa katuwaan at oras ng kagaguhan madalas kaming magkasundo nyan. Susunod na ginawa, ang pangalawa sa linya hahaha si Juan Miguel, masungit din pero di naman intense kung magsungit, mahilig din mambwisit, pero siya yung dikong na dika titipirin, mapagbigay, at maalalahanin. Matulungin sa pamilya at napaka loyal sa girlfriend nya hahaha. Sa katunayan nga oh eto binibigyan nya ako ng bente para patayin yung gagamba sa cr namin hahaha. Syempre papahuli ba ako, ako man ang bunso ako ang pinaka pogi hahaha joke lahat naman kami pogi. Ako nga pala ang Master Solrac nyo o Carlos Miguel pero di muna ako magpapakilala ng husto sa ngayon.
Masarap magkaroon ng nga kapatid, lagi kang may kadamay. Minsan meron talagang di pagkakasunduan, pero mas marami ang oras na nagkakatuwaan at nagkakasundo kami. Syempre saan pa ba kami magkakasundong magkakapatid, sa kautuan at kagaguhan jan kami maasahan hahaha biro lang, yang mga kami ko maasahan at mapag kakatiwalaan yang mga yan kaya masaya din ako dahil may mga kapatid ako.
Sooo yun lang po hano, ahhh tatapusin ko na kayaaa? Hmmm…
Hahahaha maraming salamat sa pagbabasa and as always, see you!
I DON’T WANT TO…
1. I dont want to try drugs
Alam naman natin na maituturing na isang krimen ang paggamit ng drugs. Nakakasama na nga sa kalusugan, nakakasira pa ng buhay. Higit sa lahat ayaw kong tawaging adik.
2. I dont want to make my family feel disappointed to me
Syempre, gustong-gusto natin maging bread winner ng ating pamilya. Ayaw kong mapahiya sa kanila kaya ginagwa ko lahat ng aking makakaya kahit mahirap. Hayss! Pag nga naman mataas din ang expectation sayo kahit mahirap kakayanin mo.
3. I dont want to make someone’s life miserable
Ayaw ko na may naapakang tao at gawing miserable ang buhay nila dahil alam ko na sa paningin ng iba at ng Diyos na ito ay mali. Dumaan na ako sa paghihirap kaya ayaw ko ng may napapahirapang tao.
4. I dont want to die without doing any simple step to help our country change and improve.
Napakasarap siguro sa pakiramdam na kahit isa ka lang simpleng mamayan ay may magawa ka oara sa iyong bansa. Kaya sa abot ng aking makakaya, gagawin ko kahit sa isang simpleng paraan na makatulong sa pag unlad nitong ating bansa.
5. I dont want to die without having a trip with my family. Just the five of us.
Dati palang pinangrap ko na makapag travel kami ng pamilya ko na walang ibang kasama kundi kaming lima lang. Yung feeling na bumabyahe kayo ng masaya at walang iniisip na problema.
6. I dont want to die without a diploma of my chosen career
Syempre, ayaw kong mamatay ng hindi nakakapagtapos. Diba nga ang sarap sa pakiramdam na naabot mo yung pangarap mo. Sino ba naman ang maghahangad na hindi guminhawa at maabot ang gustong propesyon.
7. I dont want to commit a crime
Bat nga ba nakakagawa ng krimen ang mga tao? Self defense? Kagipitan? Hmm… Pansariling intensyon? Napag utusan? Trip lang? Basta ako hanggat maari hindi ako gagawa ng anumang krimen. Walang mabuting maidudulot ang krimen sa atin kahit na bigyan tayo nito ng yaman o kasiyahan. Tandaan mabilis ang karma.
8. I dont want to die without giving/buying myself the things that will make me happy
Gusto kong dumating yung araw na kapag may trabahi nako, mabibili at maibibigay ko sa sarili ko lahat ng gusto ko. Alam ko naman ang aking responsibilidad sa aking pamilya, pero diko hahayaan na diko makamit o mabili ang mga bagay na gusto ko at alam kong makakapag pasaya sakin.
9. I dont want to be taken for granted
Ang sakit sa damdamin na binabalewala ka ng mga taong nasa paligid mo. Sino ba naman ang may gusto nito diba. Ang hirap isipin na dika nila pinapansin kahit nasa napakahirap ka ng parte ng buhay mo. Kaya pinapanalangin ko na diko maranasa to.
10. I dont want to die a virgin
Last but not the least on my bucket list, ang pinaka malupet. Sa buahy ng isang lalake, natural na hangarin namin ang magkaroon ng experience. Mahirap para sa isang lalake ang di maranasan ang isang pambihirang sarap este karanasan tulad nito haha.
Yun lang maraming salamat sa pagbabasa.
See you in the next chapter…
The Journey Begins
Thanks for joining me!
Good company in a journey makes the way seem shorter. — Izaak Walton

